Halu friends! Its been a long time since you heard/read something new here.
Patawad! As in! Paano po kasi, wala na akong unlimited supply nang libreng intarnets at di na po ako madramang tao sa ngaun.
Iyon ay dahil nandito na po ako sa minamahal kong bayang Pilipins! Mabuhay!
Na-miss ko to! Na-miss ko magsulat. Na-miss ko mag emo, pasensya na, feeling ko umaapaw ang energy ko today at di ko makontrol ang movement nang fingers ko sa keyboard. Hahaha!
Ayun, for some updates sa aking buhay-buhay, eto po…
Una, ayun nga, kung nabasa nyo ang previous post ko before this post, makikita nyo ang aking pagkainis sa pag eempake, well eto na po ako sa Pilipins at pinagpapawisan,hehehe.
Dumating na din ang mga boxes ko, which by the way, kinakabahan akong di na dadating at natarayan ko pa nang onti ang customer service nang Chenvel nang tawagan ko sila at sinabi nya sa aking walang box bound for Pampanga silang natanggap, OMG! halos lahat nang damit ko andun, wehe. pero Thank God nakadating naman sya, whew!
Secondly, balik trabaho na po ako sa pinas,same company po at again, Thank God may trabaho pako kahit recession, balik sa pagiging isang empleyado at kabilang sa manggagawang Pilipino na nagbabayad nang buwis para ma-corrupt nang mga opisyal, haaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyy…
Ano pa ba? Hmmm… Syempre ang lablayp ay zero pa din dahil ako ay masaya sa pagiging single, as in na-eenjoy ko siya, so sori nlng muna sa mga tao jan,hehe… Side comment, e kasi naman di ko pa din naman na-try di maging single so no point for comparison talaga,parang ewan no? anu ba yan. hehe
Career ay ok pa din, new challenge, seseryosohin ko to, kelangan ko din to para sa aking future. Tumatanda na kasi tayo so di pwedeng laging ikaw ang “bunso”, hehe.
Speaking of tumatanda, nagbday din pala ako last month, naghanda at swimming galore with pinsans, kapatids at mga tito/tita at lola. Masaya naman:D
Family ay ok naman, kasunod ko ay 3rd year college na, at ang tuition, namen ramen! wag na nating isipin,hehe..
Si 2nd to bunso ay HS na din so dalawa na silang HS, gudluck din sa tuition :p at si bunso ay grade 2, hehehe… At si kuya, ayun sabi ko lumipat na sa ibang company dahil stressed/harassed-looking na sa current company nya pero until now di pa ko binibigyan nang resume nya, hay nko! Si kuya talaga…
Anu pa ba? Ayun!, ipapapintura ang bahay by june at naghahanap ako nang magandang color combination para masaya! excited nako;) Syempre first sa list ang kulay green, no questions asked :p
Ay eto maganda yung kulay, tinginin nyo, pero di yan bahay namin;))

Sana ganto bahay namen,hehe
