Paglisan…
Matagal na panahon na mula nang huli ako magpost.
Ibig sabihin medyo matagal nang panahon na di ako nag senti at nag emo.
Therefore, babawi ako ngayon…
Ang Pagbabalik sa Pinas…
Di ko naisip noon na malulungkot pla ako kapag uuwi na ako sa Pinas for good.
Naaalala ko pa noon, gustung-gusto ko na bumalik sa Pinas.
Wala akong pakialam kung kinabukasan pauwiin na nila ako.
In fact mas matutuwa pa nga ako.
Pero bakit ngayon, kung kelan andito na, malapit na, abot-kamay ko na, saka ko nararamdaman ang lungkot?
Sadya kayang ganito ang tao? Di nakukuntento sa kung ano ang meron sila?
Malamang madami sasagot nang hinde, pero sa nakikita ko ngayon, ang sagot ay Oo.
===================================================================================
Mga bagay na mamimiss ko sa Japan
1.) Hot water – nasanay na ako maligo na ang tubig ay 37 degress celcius ang temperatura.
Pero sabagay, di naman kailangan nang mainit na tubig sa Pinas.
2.) Train System- ang disiplina nang mga tao sa pagbaba at pagasakay at convenience kasi may schedule ang train
at mamimiss ko ang Jorudan, ang online train schedule check at train route check
3.) Internet Speed – 100Mbps, haayyy paano na ang pagddownload nang mga series at movies at take note free pala sya! ![]()
4.) Gulay – Masarap gulay dito kasi malamig ang panahon therefore mas napapanatili ang freshness nang mga gulay
5.) Red ginger sa Matsuya – self explanatory
6.) Washing Machine – lagay ka lang damit tapos after 15mins sampay mo na
)
7.) Shopping Places – Machida, Shinjuku, Akihabara, Shibuya, Okachimachi, Minami-machida at iba pa.
8.) Cleanliness – walang basura sa daan, walang street vendors/street children, walang air pollution, walang stray cats and dogs
9.) Scenery – self explanatory
10.)Sagamio-Ono Park – minsang naging jogging spot at nagbigay nang peace and comfort sa akin ng
panahon nang kalungkutan at ligalig, haaayyyy *huff
Mga Taong Mamimiss ko:
1.) PA pips – batching, mga kuya, mga tatay, mga panginoon
2.) Dev 2 pips
3.) Cebu pips
4.) Nihongo Classmates
5.) Sensei!
(
6.) Magagandang ate sa train sa daan at sa opis :p
==============================================================================
Mga First-times ko nang dahil sa Japan
1.) First Airplane ride
2.) First out of country
3.) First Spring
4.) First Autumn
5.) First Winter
6.) First TGIF
7.) First inom na hindi mga pinsan ang kasama (at nalasing)
8.) First Christmas without Family
9.) First Birthday na walang Pansit :p
10.)First Disneyland/DisneySea
11.)First Snow
12.)First Yukata
13.)First Ski
14.)First Ryoukan-style hotel
15.)First Onsen
16.)First Marathon
17.)First Go Kart
18.)First Aquarium
19.)First Night Bus (8hrs ride)
20.)First Batch 9 Japan Reunion
21.)First Shinkansen
22.)First Hanami (hopefully)
23.)First time makapasok sa bahay nang isang nihonjin
24.)First Shabu-Shabu
25.)First Sake
26.)First Okonomiyaki
27.)First time to live alone in a house/apt
28.)First Takoyaki
Finally got the chance to visit my blog and thought of writing something sensible.
But with the state of mind I have right now, I don’t think it’s possible.
Many things are going on my mind, so many things happened and I’m afraid of the many changes happening and the thing that just happened.
Things are moving very fast, and I haven’t got the chance to think if what was happening was the right thing to do.
I’m not sure if I am happy with how things are going or I regret all thats happened.
I can’t turn back time, I know that, what was lost cant be replaced.
Here I go again…
Why do I always get myself into this kind of situation?
Tanga lang ba talaga ko? or di ko lang alam pero nag-eenjoy ako na malagay ang sarili ko ganitong sitwasyon?
Masokista lang talaga ako siguro. Or walang magawa sa buhay.
Naghahanap nang something new,and in the process, i end up messing my life.
sana makuntento ako sa kung ano ung buhay na meron ako,para di laging ganito.
Mahirap. Napakahirap. Ayoko na. Gusto ko na sumuko.
Gulo gulo na. Di ko na maintindihan sarili ko.
Di ko na lam kung anu gusto ko mangyari sa buhay ko.
Di ko na maibabalik kung anu man yung mga nawala at nangyari e.
So better na tanggapin ko na lang yun kesa sa mabaliw ako sa kaiisip nang mga what ifs at “kung maibabalik ko lang”.
Hay. Siguro isa ako sa mga minalas na tao na di pwede maging masaya sa buhay. Siguro I am being punished sa mga kasalanan ko.
Kung alam ko kaya yung ending nang buhay ko, or ending nang mga nangyayari at mangyayari plng, gagawa ba ko nang paraan para maiwasan mangyari lahat nang mga di magandang bagay? Or papalitan ko kaya yung ending?
Kung alam ko kaya lahat nang sagot sa mga taong ko, magiging masaya na ba ko?
Magiging kuntento na kaya ako?
Bakit nga ba ko nagkakaganito?
1.) Naguguilty ako sa isang bagay na ginagawa ko na nakakapagpasaya sakin pero may mga tao na naapektuhan/masasaktan sa ginagawa ko na yun.
2.) Ayoko maging cause nang paghihirap ng isang tao or mga tao.
3.) Gusto ko na gawin ang tama, pero pag sinusubukan ko siyang gawin, di ko matapos tapos, di ko mapanindigan.
4.) Gusto kong i-press ang rewind para di na sana nangyari lahat to. Bat ba kasi ang tigas nang ulo ko eh :-<